hay buhay. inatake na naman ako ng pagiging gastador ko.. pag may nagustuhan di mo maaawat. pag walang pera, tiyak, makakagawa ng paraan! imbes na ilaan ko na lang ang pera ko sa mga bagay na makabuluhan…..
oops! teka, hindi nga ba makabuluhan ‘tong si tatang? aba syempre makabuluhan! nag-enjoy kaya ako sa kanya. huling huli niya ang kiliti ko. mula ng mahawakan ko siya, d ko na siya binitiwan. ang kinis pa ng balat. at bihira ang ganun kagandang balat ah..
ay pabalat pala, as in cover. dahil “si Tatang” ay isang LIBRO na isinulat ng aking paboritong si Ricky Lee. ito ay ang “Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon“. Hmm, paano ko kaya ikukuwento kung bakit bigla bigla na nman akong naglabas ng pera mula sa manipis kong pitaka.
ganito. siguro, tulad ko, ay hindi na bago sa pandinig ng ilan sa inyo ang nabanggit kong libro. kung matatandaan niyo, ito yung aklat na nagbooklaunch kamakailan sa Powerbooks, SM Megamall, kung saan nagbasa si Angel Locsin ng ilang excerpt mula sa screenplay ng pelikulang Himala. Nagustuhan daw ni Ricky lee ang delivery ni Angel, at aun, Instant isyu na naman! pero hindi si Angel ang bida sa post na ito, kundi ang libro. kung tutuusin, kung sakaling hindi ito naging kontrobersyal dahil kay Angel, may interes pa rin ako rito. eh idol ko ba naman ang nagsulat eh. panong hindi ako bibili? pero di ko talaga akalain na ganun kabilis akong magkakaron ng kopya nito..
…pauwi ako noon galing sa school, nang maisipan kong dumaan sa National Bookstore sa cubao para tignan ang isa pang gusto kong bilhin na libro(Kapitan Sino ni Bob Ong). tapos ayun, hindi ko nakita, sold out na daw kasi eh. tapos bigla ko tuloy naalala ung ‘Si Tatang’. eh tamang tama, nasa harap ko na pala yun. eh di humugot agad ako ng isa, aba cover pa lang ulam na! at Green pa! haha. pagbuklat ko, nakita q si Nora Aunor (na hindi ko idol!). akala q tuloy tungkol sa kanya. un pala, may isang part dun na nakasulat ung buong screenplay(script) ng Himala. at hindi lang ‘yun, may mga inside stories pa sa mga tunay na pangyayari sa likod ng mga produksyon ng mga pelikula. meron ding, short stories, reportage, interviews at reviews. oh di ba, jackpot na para sa katulad kong masscomm.
pero kung titignan mo ang presyo, kailangan mo munang jumackpot sa lotto. joke. 450 pesos ang halaga ni Tatang. eh 350 na lang pera ko, alangan namang mangutang pa ko. eh di umuwi na lang ako para kumuha ng pera at agad na tumungo sa branch ng national na mas malapit samin. at aun! sa isang iglap ay napasakin sa Tatang!
sa mga tulad kong comm student jan, o sa mga may interes sa larangang ito, bili na kayo ng Si Tatang. at kung may pera pa kayo, avail a copy of “Trip to Quiap0(scriptwriting manual) at ang best seller na “para kay B”. siguradong marami kayong mapupulot! wow nagpromote pa. haha.
teka, kelan kaya magiging libro ang esrever? haha. nangangarap.
No comments:
Post a Comment